The United Church of Canada crest /L'Église Unie du Canada
3250 Bloor St. West, Suite 300
Toronto, ON M8X 2Y4 Canada
Toll-Free: 1-800-268-3781
Fax: 416-231-3103
Website: www.united-church.ca
Loading
Quick Links

Overview

Mahahalagang pahayag ng ating Dokrina

Trouble reading this page? See our help page!

Ang bahaging ito ay nagpapahayag ng mga kasaysayang mahalaga sa Dokrina ng United Church - ang mga kasulatan na nagsasaad ng paniniwala.

Sa pagpapalit ng panahon, paulit- ulit na ipinahahayag ng United Church ang kanilang paniniwala sa iba’t ibang pamamaraan para makasunod sa takbo at pagsubok ng mga nagbabagong pangkalahatang pangyayari, na patuloy na nagaganap.

Sa ating pang-unawa, ang Bibliya ang basehan ng ating paniniwala. Ang pagsapi sa simbahan ay ang taos sa pusong paniniwala at hindi ang pagsunod sa mga kredo nito. Ang mga bagong kasapi ay pinanunumpa ng kanilang taos pusong paniniwala sa ngalan Diyos Ama, Diyos Anak at Banal na Espiritu at ang matapat nilang pagsamba sa simbahan at sa buong mundo. Ang mga ministro ng United Church ay kinakailangan din na makipagkasundo base sa dalawampung Artikulo ng Pananampalataya na ipinamamalakad ng Unyon.

Isang Katawan ni Kristo

Bilang kasapi ng “Isang Katawan ni Kristo”, tinatanggap natin ang mga Pagbabago na ating kinagisnan, at ang mga Aral ng Kredo ng mga naunang simbahan, lalong lalo na ang mga Apostoles at ang Kredo ng “Nicene”.

Ang ating pagsapi sa Pandaigdigan Konseho ng mga Simbahan ay ang nagpamulat sa atin na ang Panginoon Hesus ay ang ating Tagapagligtas na nasasaad sa mga banal na kasulatan.

Last updated:
2007/05/27
Created:
2007/05/27