The United Church of Canada crest /L'Église Unie du Canada
3250 Bloor St. West, Suite 300
Toronto, ON M8X 2Y4 Canada
Toll-Free: 1-800-268-3781
Fax: 416-231-3103
Website: www.united-church.ca
Loading

Beliefs

kabuuan ng paniniwala ng United Church

Trouble reading this page? See our help page!

Ang Bibliya

Sa Bibliya nakapalibot ang mga gawain ng United Church; Ito ang pundasyon ng karunungan, sariling pananampalataya, at pag-ibig. Ang Bibliya ang naglalapit sa atin sa Panginoon. Ang Bibliya rin ang nagpapadama sa atin na patuloy ang Panginoon sa paglikha sa mundo, at ng mga magagandang bagay sa kapaligiran na nagaganap sa mundo, habang tayo ay pinapatawad, ginagamot at binibigyan ng bagong buhay sa katauhan ni Hesukristo.

Ang kasabihan na “Ang salita ng Diyos” na ang ibig sabihin ay – ang Diyos ang naging inspirasyon ng sumulat ng Bibliya.

Alam din natin na ang mga aklat na bumubuo ng Bibliya ay mga salaysay ng dalawang sinaunang Komunidad na kahit mahirap ang dinadanas ay pinilit pa rin maging tapat sa Panginoon. Ang kauna-unahang Israel at ang unang nakagisnang kristiyanong paniniwala at gawain, na kahit nakasulat ay hindi natin sinusunod. Hindi natin ginagawa ang pang-aalipin sa kapwa, o kaya ang pag- bato sa mga nakiki-apid. Sa madaling salita, sa mga istorya at aral sa Bibliya, ito ay may mahiwagang kapangyarihan para iparating sa bawat isa.

Sakramento

Ang Sakramento ay isang banal na seremonya ng ating paniniwala. Ang United Church ay may dalawang sakramento, Ang Binyag at ang Komunyon. Dito ay umiinog ang ating paniniwala.

Binyag

Ang Binyag ay isang masimbulong seremonya na nagpapahiwatig na tayo ay binigyan ng bagong buhay ng Panginoon sa pagsapi natin sa simbahan o relihiyon sa ating komunidad.

Ang Binyag ay gumagamit ng tubig bilang simbulo ng paglilinis at ipinahihiwatig ng ating pagtanggap ng bagong buhay sa ating kapaligiran. Ang Binyag ay isang ritual ng pagsisimula sa kristiyanong kapaligiran ng simbahan.

Ang United Church of Canada ay nagbibinyag ng lahat, kahit anong gulang. Naniniwala tayo na ang Pag-ibig ng Panginoon ay hindi depende sa ating abilidad na unawain siya, kaya binibinyagan natin ang mga sanggol hanggang sa paglaki.

Binibigyan ng mga alituntunin ang mga ninang at ninong ng mga bininyagan para makatulong sa makakristiyanong pagpapalaki ng mga bata. Nangangako ang mga Ninong at ninang ng suporta sa mga bata sa paglaki nito habang binibinyagan ang mga bata.

Ang binyag ay hindi kinakailangan sa pag-ibig ng Diyos. Naniniwala tayo na ang mga taong namatay, na hindi nabinyagan ay hindi masama.

Ang Binyag sa United Church ay kinikilala ng lahat ng klaseng Kristiyanong simbahan. Kung sila ay nabinyagan na sa ibang simbahan, malugod silang tatanggapin ng United Church bilang miyembro.

Komunyon

Ang Komunyon ay banal na pagkain para sa lahat. Nagpapaalala na ito ang huling hapunan ni Hesus at ng kanyang mga disipulo at simbolo ng patuloy at matiising pagmamahal ng Panginoon.

Pinag-isa

Lahat ay tinatangkilik ni Hesus, mahirap o mayaman, may-sakit o malusog may pinag-aralan o wala, sikat o mag-isa, nakatitiyak o nalilito.

Ang United Church of Canada ay tinatanggap ang lahat, katulad ng pagtanggap ni Hesus kahit anong gulang kasarian, kapasidad, lahi at iba pa.

Mga Bata

Ang simbahan ay gumawa ng maraming paraan para matangkilik ang lahat ng tao simula nga lola at lolo hanggang sa mga bagong silang. Ang mga bata ay hindi dapat isama sa mga husto na sa gulang pero sila ay tinatanggap pa rin ng mga Kongregasiyon, para madagdagan ang mga kaisipan at talino na magiging inspirasyon ng simbahan.

Kasal

Ang tao ay naiiba, ang pag-ibig ay ginawa ng Diyos. Nakikita natin na ang relasiyon ay sa mga buhay na nilalang na nangangailangan ng pag-aaruga at paghahanda.

Ang ating komunidad ay malawak at tumatanggap. Ang United Church ay nagkakasal sa:

  • Nagkahiwalay na mag-asawa sa legal na pamamaraan
  • Magkaibang relihiyon ng Babae at Lalaki
  • Naniniwala tayo na intensiyon ng Panginoon ang mapagmahal na samahan, tapat sa isa’t isa, responsable, mapag-aruga, katamtaman. Ang relasyon na binabanggit ay maaari sa babae at lalaki, o kaya ay parehong kasarian.

Para sa dagdag na kaalaman, sumangguni sa ang Kasal at ang Habang Buhay na Pagsasama.

Samahan ng mga may Magkakaibang Paniniwala

Iginagalang ng United Church of Canada ang lahat ng relihiyosong pananaw ng bawat isa. Naniniwala sila na ang Espiritu ng Panginoon ay nasa lahat ng iba’t ibang komunidad.

Sa Kristiyano, si Hesus ang daan sa Panginoon. Ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat at madarama natin sa pamamagitan ng mahiwagang espiritu na walang tinitignan na kahit anong lahi maging Buddhist, Hindu, sinasambahan ng mga Sikh, Tinutuluyan ng mga katutubo, Mosque ng mga Muslim at simbahan ng Hudyo.

Ang United Church of Canada ay kasama ng iba’t ibang kristiyanong simbahan at ng mga taong may ibang relihiyon para mag-kaisa sa pandaigdigan hustisya, kata-himikan makataong pagtrato.

Sa ngayon ang pagkakaiba ay nasa paligid, at naniniwala tayo na ito ay dapat nating ipagdiwang.

Panlipunang Hustisya

Ang pagpapahalaga sa bawat isa ay ang kinaiikutan ni Hesus. Ang kaniyang turo ay pakainin ang nagugutom, painumin ang nauuhaw, tangkilikin ang mga walang tirahan, damitan ang mga hubad, alagaan ang may sakit, at bisitahin ang mga bilanggo.

Naniniwala tayo na binibigyan natin ng lakas ang bawat isa sa pamamagitan ng grasya ng Panginoon, para sa mas mabuting mundo na ating ginagalawan. Sa huling bahagi, nakikisama tayo sa ibang simbahan, paniniwala at tradisiyo at ang mga taong may mabuting kalooban, para mabawasan ang paghihirap at mabigyan proteksiyon ang mga nangangailangan.

Sa buong Africa, Latin America, Asia at Caribbian ang United Church of Canada ay nakipagtulungan sa 143 simbahan at organisasiyon para suportahan ang bawat isa na nangangailangan. Sa pamamagitan nito, nabigyan nila ng pagkain ang mga nagugutom, naalagaan ang mga may sakit at nabigyan ng tirahan ang mga walang matuluyan.

Para sa dag-dag na kaalaman: sumangguni sa “Social Justice.”

Last updated:
2007/05/22
Created:
2007/05/22